Tuesday, May 20, 2014

Kailan?


Kailan?
Ilang taon na rin noong tiningnan ko ang buhay ko?
Ilang taon na rin noong gusto ko nang sumuko?
Ilang taon na rin noong ako’y napariwara?
Ilan taon na rin noong panahon na gusto ko nang mawala?

Ilang beses ko ba kailangang bumangon?
Ilang beses ko din binilang kasama na ang ngayon
Ilang ulit ko na din pinagplanuhan ang bukas
Ilang beses? Tila wala na nga yatang wakas

Ilang beses na akong tinulungan
Ilang paghihirap na din ang aking pinagdaanan
Ilang araw pa ba ang aking bibilangin?
Ilan? Dahil sawang-sawa na ako na langhapin ang ganitong hangin

 “Kailan” ang salita na ayaw ko nang bigkasin
Kailan? kay hirap nga namang hintayin
Kailan? Kailan pa ba ko makakatulong sa kanila?
Kailan? Sana sa susunod na araw, masasabi ko na

Kailan ko ba kailangang magtagal sa ganitong buhay?
Kailan ko maaamin na ang buhay ko ay sadyang may sariling kulay?
Kailan ko matatanggap na hanggang dito lamang ako?
Kailan ko pa kaya kayang ngumiti sa harap ng tao?

Kailan ko pa ba kayang hintayin?
Hintayin ang oportunidad na para lamang sa akin
Sa aking pagsisikap, sana lang ay mayroon pa akong makita pa
Makitang liwanag patungo sa buhay na masaya