“Sana Panaginip Lamang”
By: Conrad Carlo
Venzon
Marami tayong hindi
na pwedeng maibalik pa
Mga nasabi o di kaya ang
ating mga nagawa
Sa ating mga nasaktan
o di kaya mga napaasa
Sa mga pangako na hindi
na matutupad pa
Ang bawat segundo ng
ating buhay ay hindi dapat sayangin
Hindi dapat sayangin
ang pagkakataon na ipinagkaloob sa atin
Dahil ang
pinakamahirap pala na problem na haharapin natin bukas
Ang mga responsibilidad
natin ngayon na hindi dapat natin pinalagpas
Paano kung napapaligiran
na tayo ng mabigat na problema?
Malalagpasan pa kaya
natin ito? Mareresolba pa kaya?
Kung pag-iisipan ng
iba, tila napakadali lamang solusyunan, hindi ba?
Pero kung hindi naman
ikaw ang may pasan, hindi mo malalaman talaga.
Naiinggit ako minsan
sa mga taong alam kong sobrang masaya na
Ipinagdarasal ko na
sana ako naman kung pwede ba
Sawang-sawa na ako sa
araw-araw na kalungkutan
Tila mahuhulog na ang
aking mga mata sa pag-iyak sa magdamagan
Ang dami kong naisip
na plano kung maibabalik lamang ang nakaraan
Mag-aral ng mabuti,
tila iyan ang unang kong hakbang
Sobrang dali lang
pala kung pag-iigihan lang
Hindi tulad ngayon, hanggang
imahinasyon na lamang
Ang ikalawang hakbang
ko ay maging masunurin na anak
Para sa ina na ang
gusto lamang para sa akin ay makapagtapos upang may hawak
Hawak na diploma ay sadyang
ambisyon niya para sa akin noon
Isang ambisyon na naging
panaginip na lamang ngayon
Kung bibilangin ko sa
aking mga daliri ang aking mga problema
Kulang pa kahit isama
ko pati ang mga daliri sa aking dalawang paa
Hindi ko na maisip
kung bakit ako nagkaganito
Tila ang pinakamasaya
na lamang sa aking buhay ay balikan ang mga alala ko
Ang parati kong
panalangin sa Diyos ay sana magising ako sa nakaraan
Maimulat ang mga mata
sa buhay na punungpuno ng kasaganahan
Sa panahon na nagsisimula
pa lamang sa aking unang taon sa kolehiyo
Sa mga aksyon na
dapat kong pinag-isipan at plinano
Sana noon pa lamang,
ako’y nakapag-isip na
Sana noon pa lamang, nilayuan
na ang mga masasamang barkada
Sana noon pa lamang, hindi
ko nilustay ang kanyang pinaghirapan
Sana noon pa lamang,
nabagsakan na ako ng bato para ako’y natauhan
Ngayon ako’y nagsisisi
at hahihiya
Nahihiya sa mga
kaedad ko na sobra nang masaya
Meron na silang sariling
ipon, bahay, kotse at pamilya
Samantala ako naman ay tumitingin lamang sa naipundar
nila
Hinihiling ko na sana
ang buhay ko ay isa lamang panaginip
Magigising na lang
ako at doo’y makakapag-isip
Maaalala ko kung ano
ang mangyayari kapag ako’y magpapabaya
Isiping maiayos ang buhay
para hindi na lumuha ang aking mahal na ina