Wednesday, July 6, 2011

Paano?


Paano kung pagkagising mo’y basag na ang mundo?
Paano kung ang lahat ng sitwasyon ay magulo?
Paano kung wala ka nang pagpipilian pa?
Paano kung wala na talaga?

Paano mo maibabalik ang isang kahapon?
Paano mo haharapin ang bukas kung wala na ang ngayon?
Paano mo masasabi na meron pang ibang paraan?
Paano kung burado na din ang iyong daraanan?

Paano ba makakaalis sa problemang ito?
Paano ba? Mahirap to! Paano?
Paano kung sa susunod ay wala nang ilaw na matatanglaw?
Paano kung sa pagdilat ng iyong mga mata’y wala na itong matanaw?

Paano ba ang maging masaya?
Paano tumawa na hindi nagtatago ng luha?
Paano ngumiti sa mga nagmamahal sa iyo?
Paano managinip na parang ito’y totoo?

Paano kung hindi ka na tanggapin sa iyong pinanggalingan
Paano ba ibahin ang iyong nakaraan?
Paano ba masusukat ang isang hangganan?
Paano kung bigo na pala ang iyong kinabukasan?

Paano mo sasagutin ang pagkadami-daming tanong?
Paano kung ang lahat ng kasagutan ay mahigpit na nakakulong?
Paano matatapos ang hindi pa nauumpisahan?
Paano kung ang lahat nang ito’y wala na pa lang katapusan?

No comments:

Post a Comment